Isang species ng pawikan na nanganganib na maubos ang natagpuang patay matapos katayin at kunin ang karne nito sa Basdaku, Moalboal, Cebu nitong nakaraang Oktubre 3, 2018. Tanging ang shell, bituka at pugot na ulo nalang nito ang natagpuan ng mga otoridad.
© Photos by: Marine Wildlife Watch of the Philippines (Facebook page)
The Culprit
Hanggang sa ngayon hindi pa rin nahuhuli ang salarin sa pagpatay sa nasabing pawikan at wala pa rin pagkakakilanlan.
Protected Species
Lahat ng limang uri ng pawikan dito sa Pilipinas ay protektado sa ilalim ng Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Ang sinumang mapapatunayan na lumabag sa batas na ito ay may kaukulang parusa na hindi bababa sa anim na taon at isang araw hanggang labindalawang taon o magmumulta ng halagang isang daang libong piso hanggang isang milyong piso.