Isang Taiwanese na babae ang nakitaan ng apat na maliliit na buhay na bubuyog sa loob ng isa niyang mata, pinakaunang insidente na nangyari sa Taiwan ayon sa mga doktor.
Ayon sa bente-otso anyos na biktima na nagngangalang Ms. He, nag-aalis sya ng mga damo sa puntod ng kanyang mga kamaganak sa sementeryo bilang parte ng taunang Chinese Qing Ming tomb-sweeping festival nang bigla nalang lumipad ang mga bubuyog na tinatawag na "sweat bees" papunta sa kanya. Inakala niya daw na alikabok lang ito matapos humangin ng malakas pero paglipas ng ilang oras, unti unti nang namaga ang kanyang mata at nakaramdam na daw sya ng kirot. Dahil dito, agad syang humingi ng tulong sa isang hospital sa southern Taiwan.
"She couldn't completely close her eyes. I looked into the gap with a microscope and saw something black that looked like an insect leg," ayon kay Dr Hong, doktor sa nasabing ospital.
"I grabbed the leg and very slowly took one out, then I saw another one, and another and another. They were still intact and all alive."
Ayon din kay Dr. Hong, may posibilidad na dahil sa malakas na hangin, nadala ang mga insekto at pumasok sa mata ng biktima at dahil dito, na-trap ang mga ito sa loob ng mata ni Ms. He.
"These bees don't usually attack people but they like drinking sweat, hence their name," dagdag nya.
Nashock ang kanyang doktor matapos nitong alisin ang mga insekto sa pamamagitan ng paghila sa mga paa nito. Samantala, ngayon ay nakalabas na ng hospital si Ms. He at inaasahan ang kanyang mabilis na recovery.
Ang mga sweat bees, na tinatawag ring Halictidae, ay mga bubuyog na attracted sa pawis at minsan ay dumadapo sa mga tao para uminom ng pawis. Sila rin ay umiinom ng luha dahil sa mataas na content ng protina na makukuha sa luha ayon sa isang pagsasaliksik ng the Kansas Entomological Society.